CSA BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2025

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2025: PAGLINANG SA FILIPINO AT KATUTUBONG WIKA:MAKASAYSAYAN SA PAGKAKAISA NG BANSA

AGOSTO 11-13 ELIMINASYON NG SABAYANG PAGBIGKAS

Ngayong taon, ang piyesa ng Sabayang Pagbigkas ay hinango mula sa salin sa Filipino ni Gng. Josephine Camartin ng “Late Have I Loved Thee” na isinulat ni San Agustin ng Hippo. Ito ay bilang tugon sa adhikain ng PCSS (Philippine Catholic Schools Standards) na ang mga paaralang Katoliko ay nagtataguyod ng mataas na pamantayan ng edukasyon na nakaugat sa pananampalataya at pagpapahalagang Katoliko. Kaya naman, layunin ng gawain na mabigyan ng interpretasyon ang panalanging ito ng ating Patron na si San Agustin kaugnay ng kanyang naging buhay, pananalig sa Diyos, at paglalakbay tungo sa Diyos.

#CSAMakati #SanAgustin #SoarHigh #CSAforever