TUNGHAYAN: Pinahupa ng Colegio San Agustin-Makati Girls Volleyball Team (CSA-GVT) ang siklab ng Beacon Academy (BA), 25-12, 25-14, 25-20, sa semifinals ng Inter-Scholastic Sports Association (ISSA), Oktubre 16 sa CSA Gymnasium.
Bunsod ng tagumpay, aabante ang koponan sa finals ng naturang torneo laban sa Child Jesus of Prague School (CJPS) sa Oktubre 25, dala ang mataas na kumpiyansa at determinasyong masungkit ang kampeonato.
Tunghayan ang balitang isports ng CSA-GVT sa semifinals ng ISSA sa opisyal na website ng Insights-Salik.
Caption ni Lynnette Anne Amaguin
Artikulo ni Samantha Rhyzza Ganotice
Larawan ni Sean Nigel Gutierrez