VIVA SANTO NIÑO! PIT SENYOR ❤️‍🔥

Ipinagdiwang ng Colegio San Agustin–Makati ang Kapistahan ng Sto. Niño, ngayong araw, ika-26 ng Enero sa pamamagitan ng Banal na Misa na pinangunahan ni Reb. P. Dante M. Bendoy, OSA.

Naghandog ang Augustinian Dance Troupe at ilang Agustinong mga magulang ng isang sayaw bilang pagpaparangal sa Santo Niño sa saliw ng musika ng Apo Lando Tribe. Sinundan naman ito ng pagdiriwang ng Banal na Misa.

Sa homiliya, binigyang-diin ni P. Bendoy ang kahalagahan ng pananampalatayang nagmumula sa kababaang-loob at wagas na pagtitiwala sa Diyos bilang kabataan—mga pagpapahalagang isinakatawan ng Santo Niño na patuloy na gumagabay sa pamayanang Agustino.

Caption ni Axel Lucio
Mga larawan nina Sean Gutierrez, Sophia Oro, at Martha Masilag